Ang mga Misteryo ng Tuwa (Lunes at Sabado)
1. Ang pagbati ng anghel sa mahal na Birhen.
2. Ang pagdalaw ng Birheng Maria kay Santa Isabel.
3. Ang pagsilang sa daigdig ng Anak ng Diyos.
4. Ang paghahain sa Templo sa Anak ng Diyos.
5. Ang pagkakita kay Hesus sa Templo ng Herusalem.
Ang mga Misteryo ng Liwanag (Huwebes)
1. Ang pagbibinyag kay Hesus sa Ilog Jordan.
2. Ang pagpapahayag ni Hesus ng kanyang sarili sa kasalan sa Cana.
3. Ang pagpapahayag ni Hesus ng Kaharian ng Diyos, sa pagtawag patungo sa pagbabago.
4. Ang pagbabagong-anyo ni Hesus sa bundok ng Tabor.
5. Ang pagtatatag ni Hesus ng Banal na Eukaristiya, bilang pagpapahayag na Sakramental ng Misteryong Paskwal.
Ang mga Misteryo ng Hapis (Martes at Biyernes)
1. Ang pananalangin ni Hesus sa halamanan ng Getsemani.
2. Ang paghampas kay Hesus sa haliging bato.
3. Ang pagpapatong ng koronang tinik.
4. Ang pagpapasan ng krus.
5. Ang pagpapako at pagkamatay ni Hesus sa krus.
Ang mga Misteryo ng Luwalhati (Miyerkules at Linggo)
1. Ang pagkabuhay ng mag-uli ni Hesus.
2. Ang pag-akyat sa langit ni Hesus.
3. Ang pagbaba ng Espiritu Santo sa mga apostoles.
4. Ang pag-akyat sa langit ng Mahal na Birhen.
5. Ang pagpuputong ng korona sa Mahal na Birhen.