Pagtatampok sa Krus na Banal, Setyembre 14 2013, Santuwaryo Hesus Ipinako sa Krus, sa Divinópolis, Brasil.
Miyerkules, Setyembre 18, 2013
Biyernes, Agosto 23, 2013
Panlabindalawa anibersaryo ng aparisyon
1 Septiyembre 2013: Panlabindalawa anibersaryo ng aparisyon ng Birheng Maria sa Divinópolis, Brasil: 12 taon ng mga grasya at mga pagpapala.
Lunes, Hulyo 29, 2013
Mga Misteryo ng Rosaryo
Ang mga Misteryo ng Tuwa (Lunes at Sabado)
1. Ang pagbati ng anghel sa mahal na Birhen.
2. Ang pagdalaw ng Birheng Maria kay Santa Isabel.
3. Ang pagsilang sa daigdig ng Anak ng Diyos.
4. Ang paghahain sa Templo sa Anak ng Diyos.
5. Ang pagkakita kay Hesus sa Templo ng Herusalem.
Ang mga Misteryo ng Liwanag (Huwebes)
1. Ang pagbibinyag kay Hesus sa Ilog Jordan.
2. Ang pagpapahayag ni Hesus ng kanyang sarili sa kasalan sa Cana.
3. Ang pagpapahayag ni Hesus ng Kaharian ng Diyos, sa pagtawag patungo sa pagbabago.
4. Ang pagbabagong-anyo ni Hesus sa bundok ng Tabor.
5. Ang pagtatatag ni Hesus ng Banal na Eukaristiya, bilang pagpapahayag na Sakramental ng Misteryong Paskwal.
Ang mga Misteryo ng Hapis (Martes at Biyernes)
1. Ang pananalangin ni Hesus sa halamanan ng Getsemani.
2. Ang paghampas kay Hesus sa haliging bato.
3. Ang pagpapatong ng koronang tinik.
4. Ang pagpapasan ng krus.
5. Ang pagpapako at pagkamatay ni Hesus sa krus.
Ang mga Misteryo ng Luwalhati (Miyerkules at Linggo)
1. Ang pagkabuhay ng mag-uli ni Hesus.
2. Ang pag-akyat sa langit ni Hesus.
3. Ang pagbaba ng Espiritu Santo sa mga apostoles.
4. Ang pag-akyat sa langit ng Mahal na Birhen.
5. Ang pagpuputong ng korona sa Mahal na Birhen.

Litanya sa Mahal na Birheng Maria
Panginoon, maawa ka sa amin.
Kristo, maawa ka sa amin.
Panginoon, maawa ka sa amin.
Kristo, pakinggan mo kami.
Kristo, paka-pakinggan mo kami.
Diyos Ama sa langit,
Maawa ka sa amin.
Diyos Anak na tumubos sa sanglibutan,
Diyos Espiritu Santo,
Santisima Trinidad na tatlong Persona at iisang Diyos,
Santa Maria, ipanalangin mo kami.
Santang Ina ng Diyos,
Santang Birhen ng mga Birhen,
Ina ng Kristo,
Ina ng grasya ng Diyos,
Inang kasakdal-sakdalan,
Inang walang malay sa kahalayan,
Inang 'di malapitan ng masama,
Inang kalinis-linisan,
Inang ipinaglihi na walang kasalanan,
Inang kaibig-ibig,
Inang kataka-taka,
Ina ng mabuting kahatulan,
Ina ng may gawa sa lahat,
Ina ng mapag-adya,
Birheng kapaham-pahaman,
Birheng dapat igalang,
Birheng dapat ipagbantog,
Birheng makapangyayari,
Birheng maawain,
Birheng matibay na loob sa magaling,
Salamin ng katuwiran,
Luklukan ng karungunan,
Mula ng tuwa namin,
Sisidlan ng kabanalan,
Sisidlan ng bunyi at bantog,
Sisidlan ng bukod-tanging katimtimann Rosang bulaklak ng 'di mapuspos ng bait sa tao ang halaga,
Torre in David,
Torre na garing,
Bahay na ginto,
Kaban ng tipan,
Pinto sa langit,
Talang maliwanag,
Mapagpagaling sa mga maysakit,
Pagsasakdalan ng mga taong makasalanan,
Mapang-aliw sa nangagdadalamhati,
Mapag-ampon sa mga kristiyano,
Hari ng mga anghel,
Hari ng mga patriarka,
Hari ng mga propeta,
Hari ng mga apostol,
Hari ng mga martir,
Hari ng mga confesor,
Hari ng mga Birhen,
Hari ng lahat ng mga santo,
Haring ipinaglihi na 'di nagmana ng salang orihinal,
Haring iniakyat sa langit,
Hari ng kasantu-santosang Rosaryo,
Hari ng kapayapaan.

Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sanlibutan. Patawarin mo po kami, Panginoon.
Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sanlibutan. Paka-pakinggan mo po kami, Panginoon.
Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sanlibutan.
Maawa ka sa amin.
Ipanalangin mo kami, Santang Ina ng Diyos.
Nang kami ay maging dapat makinabang ng mga pangako ni Hesukristong Panginoon.
Manalangin Tayo- Panginoon naming Diyos, kasihan mo nawa ang aming mga kaluluwa ng Iyong mahal na grasya, at yayamang dahilan sa pananalita ng anghel, ay nakilala namin ang pagkakatawang tao in Hesukristong Anak Mo. Pakundangan sa mahal Niyang pagpapakasakit at pagkamatay sa Krus, ay papakinabangin Mo kami ng Kanyang pagkabuhay na mag-uli sa kaluwalhatian sa langit. Alang-alang kay Hesukristo ring Panginoon namin. Siya Nawa. ~ Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

Sabado, Hulyo 6, 2013
Birheng Maria ng Medjugorje
Aparisyon Birheng Maria ng Medjugorje.
Lungsod: Medjugorje, Bosnia at Herzegovina.
Manghuhula: Vicka Ivankovic (17 taong gulang), Jakov Colo (10 taong gulang), Mirjana Dragicevic (16 taong gulang), Ivan Dragicevic (16 taong gulang), Ivanka Ivankovic (17 taong gulang), Marija Pavlovic (16 taong gulang).
Petsa: 24 ng Hunyo 1981 hanggang sa kasalukuyan araw.
Birheng Ina: Damit kulay-abo, puting belo, asul na mata, 12 bituin, kulay rosas na labi, 20 taong gulang.
Patibay ng Katoliko Iglesia: Maghintay.

Huwebes, Abril 25, 2013
Langit, Impiyerno Purgatoryo
“Ang Paring Nakakita ng Langit, Impiyerno at Purgatoryo: (Ang Karanasan ng Buhay Pagkatapos ng Kamatayan)
Si Fr.Jose Maniyangat ay isang kasalukuyang pastor ng St.Mary’s Mother of Mercy Catholic Church sa Macclenny,Florida.At ito ang kanyang pahayag:
Ako ay ipinanganak noong July 16,1949 sa Kerala, India ng aking mga magulang na sina Joseph at Theresa Maniyangat .Ako ang panganay sa pitong magkakapatid na sina: Jose, Mary, Theresa, Lissama, Zachariah, Valsa at si Tom. Sa edad kong labing apat na taon ,ay pumasok na agad ako sa St.Mary’s Minor Seminary sa Thiruvalla para simulan ang aking pag-aaral ng pagkapari.Pagkatapos ng apat na na taon ,ay pumunta ako sa St.Joseph’s Pontifical Major Seminary sa Alwaye ,Kerala para ipagpatuloy ang aking pagkapari. Pagkatapos kong kompletuhin ang pitong taon ng Pilosopiya at Teolohiya ,ako ay naordinahan bilang pari noong Jan.1,1975 para pagsilbi bilang isang Misyonaryo sa Diyoses ng Thiruvilla. Noong linggo, Abril 14,1985, ang kapistahan ng Divine Mercy habang ako’y papuntang simbahan para ipagdiwang ang misa sa sa hilagang parte ng Kerala ,at ako ay naaksidente na halos ikamatay ko na .Ako ay nagmamaneho ng motorsiklo ng ako ay tamaaan sa ulo ng jeep na minamaneho ng isang laseng na lalake na galing sa piyesta ng Hindu .Dinala ako sa hospital sa layong 35 milya .Habang nasa byahe ay lumabas ang aking kaluluwa sa aking katawan at nakaranas na mamatay .Agad kong nakilala ang aking Guardian Angel .Nakita ko ang aking katawan at ang mga taong nagdala sa akin sa hospital .Narinig ko ang kanilang mga iyak at mga dasal para sa akin.Sa pagkakataong ito ang aking anghel ay nagsabi sa akin:”Dadalhin kita sa langit ,Nais kang Makita at makausap ng ating Panginoon”Sinabi din nya na gusto ko ding ipakita sayo ang impiyerno at purgatoryo.
Impiyerno: "Una akong isinama ng anghel sa impiyerno .Ito ay nakasisindak at nakakatakot na tanawin! Nakita ko si Satan at ang mga demonyo, ang di mapatay at matupok ng apoy na halos 2,000 degree fahrenheit, naggagapangang mga uod, mga taong sumisigaw at lumalaban, at ang ibang mga taong pinapahirapan ng mga demonyo. Sabi sa akin ng anghel lahat daw ng paghihirap na ito ay dahil sa mga mortal na kasalanang hindi naihinge ng kapatawaran o napagsisihan. Pagkatapos ay aking naunawaan na may pitong antas ng paghihirap, parusa o lebel ayon sa bilang at uri ng mortal na kasalanang kanilang nagawa sa buhay nila sa lupa .Ang kaluluwa ay makikitang sobrang panget ,malupit at nakasisindak. Ito ay ang nakakatakot kong karanasan. Nakita ko ang mga taong kakilala ko ngunit hindi ko pwedeng ipahayag o ipaalam kung sino sila .Ang mga kasalanang nagpabilanggo sa kanila ay ang aborsyon, homosekswalidad, eatanasya, poot, hindi pagpapatawad at kalapastanganan. Ayon sa anghel, kung sila lamang daw ay nagsisi,ay naiwasan sana nila ang impiyerno at sa halip ay sa purgatory sila napunta .Naintindihan ko na ang mga taong nagsisisi sa mga kasalanang nagawa ay maaaring dalisayin sa lupa ,dahil sa kanilang paghihirap .Sa ganitong paraaan ay maiiwasan nila ang purgatoryo at diretsong langit. Ako ay nagulat ng makita ko sa impiyerno kahit ang mga pari at Obispo na hindi ko inaasahang makikita ko doon.Marami sa kanila ang nakarating doon dahil sila ay naguna at nagturo ng mga maling kaalaman at masamang halimbawa.
Purgatoryo: "Pagkatapos naming bisitahin ang impiyerno, ay dinala naman ako ng Guardian Angel ko sa purgatoryo. Dito rin ay may pitong antas ng parusa ,paghihirap at walang kamatayang apoy .Pero ito ay may mas mababang tindi kesa impiyerno at meron ding mga nag-aaway o di kaya’y naglalaban .Ang pinakapagpapahirap sa mga kaluluwang ito ay ang pagkakahiwalay nila sa Panginoon karamihan sa mga nandito ay mga nakagawa ng maraming mortal na kasalanan pero nakipag-ayos o nagsisi bago sila mamatay sa Panginoon. Kahit na naghihirap at pinaparusahan ang kanilang kaluluwa ay nanatiling payapa sila at sa kaalamang isang araw ay makikita nila ang nilikha ng Panginoon. Nagkaroon ako ng pagkakataong makausap ang mga kaluluwa sa purgatory. Humiling silang ipagdasal sila at sabihin sa mga taong ipagdasal din sila para mas mapabilis ang kanilang pagpuntang langit. Kapag pinagdasal daw natin ang mga kaluluwa ,tayo daw ay makakatanggap ng kanilang pasasalamat at sa pamamagitan din ng kanilang dasal ,at kapag sila ay nasa langit na ang kanilang mga panalangin ay higit ng karapat-dapat at makapangyarihan. Napakahirap para sa akin na ilarawan ang kagandahan ng aking anghel. Siya ay nagliliwanag at kumikislap. Siya ang aking palaging kasama at tumutulong sa lahat ng aking ministeryo ,lalo na sa aking pagpapagaling.Naranasan ko ang kanyang presensya kahit saan man ako magpunta ako ay kanyang prinoprotektahan at lubos ko iyong ipinagpapasalamat.
Langit: "Sunod ay dinala ako ng aking anghel sa langit at dumaan kami sa isang malaking yungib na daang kumikislap at masilaw .Hindi ko ito naranasan kelan man ang ganitong kapayapaan at ligaya sa buhay ko.Agad kong nakita ang langit at narinig ang pinaka masayang musika na hindi ko pa naririnig . Ang mga anghel ay kumakanta at nagpupuri sa Panginoon .Nakita ko ang lahat ng mga santo at lalo na ang pinagpalang Birheng Maria at si San Jose, at ang mga lubos na naglingkod at banal na Obispo at mga pari na nagliliwanag na gaya ng bituin .At ng ako ay biglang dumating ay sinabi ni Panginoong Hesus: "Gusto kong bumalik ka sa mundo. Sa iyong pangalawang buhay, ikaw ay magiging instrumentong kapayapaan at pagpapagaling sa aking mga tao. Ikaw ay makakapunta sa dayuhang bansa o lugar at makakapagsalita ng dayuhang salita Walang imposible sayo dahil sa aking biyaya.” Pagkatapos ng mga salitang iyon , ang pinagpalang Ina ay nagsabi: "Gawin mo kung anuman ang kanyang sinabi. Tutulungan kita sa iyong mga ministro." Hindi kayang ilarawan ng salita ang kagandahan ng langit. Doon ay natagpuan ko ang lubos na kapayapaan at kaligayahan, na lagpas pa sa ating inaakala. Ang ating Panginoon ay sobrang layo ng kagandahan maihahalintulad sa kahit anung larawang ating ipinapahayag. Ang kanyang mukha ay kumikislap at nagliliwanag at mas magandang di tulad ng libu-libong sumisikat na araw. Ang larawang ating nakikita sa mundo ay isang anino lamang ng kanyang kadakilaan at karilagan. Ang pinagpalang Ina ay katabi ng Panginoong Hesus, sya ay napakaganda at nagliliwanag. Walang larawang ating nakikita sa lupa ang maikukumpara sa tunay nyang kagandahan.Ang kalangitan ay ang ating tunay na tahanan ,tayo ay nilikha ng Panginoon upang marating ang langit at harapin ang Panginoon habang buhay .Pagkatapos ay bumalik ako sa lupa kasama ko ang aking anghel.
Habang ang aking katawan ay nasa hospital, ang doctor ay tapos na sa lahat ng kanyang eksaminasyon at iprinoklama na nyang ako’y patay na, ang dahilan ng aking pagkamatay ay ang pagdurugo. Ang aking pamilya ay inabisuhan na at dahil malayo nga sila,ang hospital ay nagdesisyon na ilipat ang patay kong katawan sa morge. Dahil sa walang airconditioner sa hospital ,sila ay nag-aalala ang aking katawan ay mabulok agad. Habang nililipat nila ang aking katawan sa morge,bumalik ang aking kaluluwa sa aking katawan .Naramdaman kong pinahirapan ako ng sakit dahil sa dami ng aking mga sugat at mga baling buto.Nagsimula akong sumigaw at ang mga tao ay natakot at tumakbong nagsisigawan .Ang isa sa kanila ay lumapit sa doktor at sinabing sumigaw ang patay na katawan. Dumating ang doktor at napagalaman nyang ako ay buhay. Kaya sinabi nyang. Buhay ang pari ,ito ay isang himala! Ibalik sya sa ospital. Ngayon, pagkabalik sa akinsa ospital ay sinalinan ako ng dugo at ako ay inoperahan para ayusin ang mga nabali kong buto inayos nila ang aking panga ,ribs,pelvic bone ,bisig at kanang hita.Pagkatapos ng dalawang buwan ,ako ay ipinalabas na ng ospital ,pero sabi sakin ng orthopedic doctor na hindi na daw ako makakalakad ulit. Tapos sabi ko: “Ang panginoon na nagbigay ulit ng aking buhay dito sa mundo ang magpapagaling sakin.” Isang beses sa aming tahanan, kami ay nagdarasal para sa himala.Pagkatapos ng isang buwan ay hindi padin ako makagalaw pagkatanggal ng aking casts. Pero isang araw habang nagdadasal ay nakaramdam ako ng di ordinaryong sakit at nakarinig ako ng boses na nagsabi.” Gumaling kana.Tumayo ka at maglakad.” Naramdaman ko ang kapayapaan at kagalingang kapangyarihan sa aking katawan .Tumayo ako agad at naglakad. Pinuri ko at pinasalamatan ang Panginoon sa himalang ito. Sinabi ko sa aking doktor ang balita ng aking paggaling at sya ay namangha .Sabi nya:” Ang iyong Panginoon ay ang tunay na Panginoon, Dapat kong sundin ang iyong Panginoon.” Isang Hindu ang aking doktor at sya ay humiling na turuan ko daw sya tungkol sa ating simbahan .Pagkatapos pag-aralan ang ating pananampalataya ay bininyagan ko sya at naging katoliko .Upang masunod ang sinabi ng aking Guardian Angel ,ako ay pumunta sa U.S noong Nov.10,1986 bilang misyunaryong pari .Hanggang June 1999, ako ay naging pastor ng St. Mary’s Mother of Mercy Catholic Church sa Macclenny Florida. Sinalin sa Wikang Tagalog ni Peter Sr. Llevado ,isang iskultor sa Burol- 3 Dasmariñas City of Cavite.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)